Sino nga ba ako? Gusto nyo na bang malaman kung sino nga ba ako talaga ako sa likod ng nakikita nyo?
Ako si Karolyn I. Del Mundo. Ipinanganak noong Dec 13, 2001. Anak ni Irene Del Mundo at Eufemio Del Mundo. Ako ay nakatapos na ng Junior High School sa BNHS at ngayon kasalukuyan Senior High School na sa Saint Bridget College sa Kursong ABM.
Ang aking karanasan sa buhay na hindi ko malilimutan ay noong pagaalaga sakin ng aking magulang at pagmamahal sakin. Ako ay pinalaki ng aking magulang ng simple lamang, mapagmahal, mabait at may takot sa Diyos. Ngunit minsan ako ay may pagkamoody. Bilang kaibigan naman ako ay mapagbiro at syempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at mapapagsabihan mo sila ng iyong problema na tutulungan ka. Minsan naman may pagkakataong may malungkot na karanasan. May pagsubok na mararanasan na hindi mo maiintindihan at paglipas ng mga araw na iyon ay tinatawan ko na lang at nahingi ng tulong sa pamamagitan ng pagusap o pananalig sa diyos. Ang karanasan ay nagdulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan at kabiguan. Habang tumatakbo ang panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag iiwan ng marka sa ating buhay.
Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama at tulong tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubuking masulusyunan lahat ng problema. Sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagkakaintindihan, pagtutulungan at pananalig sa Diyos upang malagpasan ang lahat ng problema ng aming naranasan.
Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang paglingkuran ang Diyos habambuhay maging matagumpay sa buhay. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pagaaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.